Nasasaad sa banal na Aklat na “hanggga’t hindi ka muling nabuhay ay hindi ka makakapasok sa pinto ng kalangitan.”
Ibaling natin kay Ka Pule2 ang kadahilanan kung bakit sa wikang pambansa isinulat ang akdang ito, pero natanto ba naman natin kung ano ang kahalagahan at kung paano nagsimula ang kapistahan ng muling pagkabuhay na idinadaos natin ngayon? At alam ba naman natin na bagama’t ito ay kaugaliang iniuukol natin pangkalahatan sa Kristiyanismo ang talagng panimula nito ay galing sa relihiyon ng mga pagano?
Naalala tuloy ng manunulat na ito ang paksa ng dalawang batang paslit ukol sa makaraang mahal na linggo nitong nakaraang araw.
Tanong ng una, “paano kaya nalalaman kung semana santa na? Sagot naman nung tinanong: “Ay tange! Di tignan mo sa kalendaryo! Pag ang petsa ay may nakasulat na Holy Thursday at Holy Friday, ibig sabihin nun ay Hwebes at Biyernes Santo na, at bagama’t di na nailista, ang dalawang susunod na araw ay Sabado de Gloria at Domingo de Ramos na. Kailangan pa bang imemorize yan?!”
Napangiti tuloy na umiiling ang matandang leon. Pero oo nga naman, bakit pa nga ba pag-uukulan ng panahon ang problema ng mga gumagawa ng kalendaryo? Sila ang dapat manaliksik kung saang Hwebes at Bieyrnes ang araw ng mga Santo at saan namang Sabado dapat ilatag si Gloria at saang Linggo dapat itakda si Ramos na kagat ang kanyang di pa nasisindihang tabako!
Pero balik tayo sa paksang muling pagkabuhay bago tayo naligaw sa pulitika. Baka magreklamo si Erap bakit wala siya sa talaan ng banal na kalendaryo.
Nabanggit ko kangina na ang kaugaliang ito ay hango sa kaugalian ng mga pagano.
Ayon sa mga lumang kasulatan, ito ay nagsimula sa paganong diyos na si Attis, na diyos na Halamanan o sa salitang ingles ay “God of Vegetation” na ang kaarawan ay ang “vernal equinox” na nangyayari kapistahan at sa kapanhunan ay sa ikalawang araw matapos ang pagkahulog ng mga dahon. (Yong mga romantikong nagbabasa nito ay pinapayuhang ilagay sa alaala ang awiting “Autum Leaves” ni Nat King Cole.) na ayon sa kwentada ng mga pantas ay nangyayari ika 23 ng Marso bawat taon.
Dahil ang muling pagkabuhay ay dapat magsimula sa kamatayan (oo nga naman, kailangan mamatay ka muna bago ka mabuhay na muli!) noong angkinin ng mga Kristiyano ang kapistahang ito ay itinakda nila ang pagbilang ng araw sa Marso 21 para iakma ito sa pag-aalam ng kalendaryo ng mga Hudyo na ang batayan ay ang panahon ng linggo ng Palaspas o “Passover” na nangyari sa panahon ni Moises na ang batayan ay ang buwan (lunar) at hindi ang araw (solar) na gamit sa kalendaryo ng mga Romano. Ang nangyari tuloy ay parang kalendaryong pinaghalo, dahil ang Marso 21 ay hango sa kalendaryong “solar” sanantalang ang kwaresma naman o araw ng mga palaspas ay hango sa kalendaryong “lunar.”
Sa paraang ito, ang pag-alam ng Semana santa na idinadaos natin ngayon ay nagsisimula sa Marso 21 at dito inaalam kung kailan sisikat ang kabilugan ng buwan at ang susunod na linggo ay doon itatakda ang Domingo de Ramos.
At para madaling maintindihan, gamitin natin ang taong 2008 na halimbawa.
Sa taong ito, ang kabilugan ng buwan na sumunod sa Marso 21 ay natapat sa Marso 22, at dahil ang susunod na araw ng linggo ay sa Marso 23, ang takdang araw ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Sa taong 2007 naman, ang kabilugan ng buwan ay
nakatala sa April 3 at ang sumunod na linggo ay Abril 8. Sa pamamaraang unang naqbanggit, ang itinakdang Hwebes at Biyernes Santo ay Abril 6 at 7 sa taong iyon.
At pwede ba, hindi rin alam ng matandang leon kung bakit hindi na binago ang dalawang araw na itinakdang kamatayan at pagkabuhay ng paganong diyos na si Attis noong kopyahin ng mga Kristiyanong dekano ang kaugaliang ito para umayon sa tatlong araw ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo (natatandaan niyo pa ba ang sabi sa banal na kasulatang “on the third day he rose again?!) maliban lang kung sasabihin natin na ang paatras na pabilang ng kamatayan ay nagsimula sa Linggo na ibig sabihin ay uno, at ang araw ng Sabado ay dos at ang Biyernes ay ang araw na ikatlo!
Anong sey niyo?!
(Note to Bro. Earl: You will need the help of Sis. Estelle to understand this gobbledygook.)
(At huwag niyo nang pansinin kung nahirapan kayong umintindi sa akdang ito, buti nga hindi sa katagang Bisaya isinulat ito!! At pwede kayong magpadala ng inyong reaction)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Salamat kagalanggalang na leon sa pag-uugat ng ating itinuturing pasko ng pagkabuhay na batayan ng paniniwala nating mga kristiyano.
At Maligayang bati rin.
Bagama't maraming isyu ang pwedeng balangkasin dito, ang dulo nito ay ang pagtitibay nito sa 3 tanong sa pagpasok natin sa masoneriya.
Bro. S. Endaya
Happy Easter kuya jun!
Dad Jun, bagama’t naguluhan ako eh,.. HAPPY EASTER sa inyong lahat...!
Sano VW, lawom kaajo. Lisod jamo pagsabot. Bagsak ko sa Pilipino. Okay ra gi mata mata ko na lang. Ang pagkabanhaw ni Hesus. fbb
Post a Comment